"pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga sususnod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang...."
"Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."
Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."
"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."
"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang."
"ang dahilan kung bakit hindi ka dapat magmahal ng dalawang tao sa parehong panahon ay katulad ng kung bakit hindi ka pwede magsuot ng sapatos na hindi magkapares sa parehong oras. posible pero pangit tignan."
"minsan, para ka palang nagmahal ng pader. habang mas pinagdidiinan mo itulak ang sarili mo, mas nasasaktan ka. pero siya, 'di pa rin natitinag."
Okay lang lumaki ng lumaki, tumangkad, at tumanda ng walang nalalaman... kung puno ka.
kahit anong bagal mo kung di ka naman niya gustong habulin, hindi ka iya maaabutan.. kahit mag stop over ka pa:)
Post #10Jeanette Min Ho wroteon March 31, 2009 at 7:30pm
~ Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.~
~ Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba. ~
~ Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang. ~
~ Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na. ~
~ Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din. ~
~ Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una. ~
~ Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya. ~
~ Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organ. ~
"Parang elevator lang yan,bakit mo pagsisiksikan ang sarili mokung wala nang lugar para sa'yo?eh meron namang hagdan, ayaw mo lang pansinin..."
"Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."
"Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko "
"Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?" -- Ito ang pinakagusto ko. =D
hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag.iisa , kundi ang pagtanggap na sa bilyung.bilyong tao sa mundo , wala man lang nakipag.laban upang makasama ka. "
"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."
"Mangarap ka at abutin mo ito Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis Kung may pagkukulang sa'yo ang mga magulang mo, pwede kang manisi at mag rebelde... tumigil ka sa pag aaral, mag drugs ka at magpakulay ng buhok sa kilikili.Sa bandang huli, ikaw din ang biktima... Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."
Bakit ba lahat ng sinasabi ko ginagawa nyong kowts?"
-Bob Ong
Minsan Kailangan mo din pala ng lakas para sabihing mahina ka"...
Post #28
1 replyMara Jamila Paras wroteon April 2, 2009 at 12:29am
"ang tao, aminado naman yan sa mga kasalanan nila..pero kung lalo mo pang ipapamukha sa kanila na mali sila, lalo mo lang silang binibigyan ng dahilan para iwanan ka.."
"wag magmadali sa babae o lalaki..tatlo,lima,sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang gwapo,maganda o nakakalibog ito..totoong mas importante and kalooban ng tao higit sa anuman..sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan ay magmumukha ding pandesal..maniwala ka.." (haha..:D)
"walang taong manhid..hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.."
"kung madami kang dapat gawin pero wala kang ginagawa, hindi katamaran ang dahilan nun..may iniisip ka.."
"kung ang tinapay nga na iniwan mo sa mesa may kumukuha, yun pa kayang mga bagay na mas mahalaga sa'yo?..wala nang nagtatagal sa panahong ito at kung may iiwan ka, siguraduhin mong hindi na iyon mahalaga.."
"sa kolehiyo, madaming impluwensiya ang makikita, masama o mabuti man ito..wag isisi sa thesis partner o sa kaibigan ang lahat kung bakit nasira ang baga mo sa pagyoyosi, nasira ang atay mo sa kakainom at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya..kung talagang matino kang tao, kahit sino pang tarantado ang kasama mo ay maitutuwid mo pa rin ang daanang tatahakin mo.."
"paano mo makikita yung taong para sa'yo kung ayaw mo namang tantanan yung taong pinipilit mong maging para sa'yo.."
Makakabalik ka nga sa lugar pero hindi sa panahon. Makikita mo ulit ang taong minahal mo pero hindi na mauulit ang nararamdaman ninyo noon. Lahat ng nangyari noon ay isa ng lamang masayang gunita ngayon.Isang bintana sa kahapon, na paminsan minsan ay gusto mong masulyapang muli. Sabay bulong sa sarili sana pwedeng ibalik ang mga nangyari noon para magawa kong tama ang mga maling desisyon ng pagkakataon
"Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito
multiple choice, identification, true or false, enumeration, o
fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw.
Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa
kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.
Hindi dahil manhid ka ay wala ka nang kakayahang manakit."
"hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan." :)
"Minsan kailangan mo din makalimot..
para ikaw naman ang maalala."
HINDI NAMAN IIYAK ANG MUNDO PARA LANG SA ISANG TAO"
Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."
"kung ta2maan lang ng kidlat ang mga ta0ng nde marun0ng tumupad sa salitang PROMISE cgr0 nagmistula ng fireworks ang kalangitan sa dami nito"
"hindi lang dahil sa manhid ka eh ayos na.para kang bato,hindi ka nga nasasaktan pero nakakasakit ka naman."
Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."
ang tenga pag pinagdikit ay hugis puso...karugtong ng puso ang tenga....kaya kung di ka marunong makinig....di ka rin marunong mag-mahal...
hindi kayang tumbasan ng isang libong mababait ng tao ang pagmamahal ng isang gagu
"Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko."
"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa'yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."
"IPINANGANAK AKONG MATALINO, PINILI KO LANG MAGING BOBO"
Madaling isipin kung para saan ang pera, ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ito ang nagiging sukatan ng tagumpay ng isang tao.
wala naman masama sa pangingibang bayan, wala naman masama kung gusto mong lisanin ang barkong sa tingin mo ay papalubog na basta wag mo lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapan na isalba ng ibang tao....
pnu mu iiwan ang isang tao nang hindi siya pinapabayaan? :)
masama akong tao, tulad mo.. sa parehong paraan na mabuti kang tao tulad ko.."
Ang Tamang Bgay Saka Tamang Panahon, Wala Na Rin Saysay Kapag Wala Na Yung Tamang Tao. Ang Tao Pwede Mag Adjust, Pero Ang Bagay At Panahon Hindi..,
Nagiging Malungkot Ang Tao Dahil Pinipilit N'yang Maging Masaya.
Kung Tutuusin, Hindi Naman Masarap Ang Alak. Yung Kainuman Mo Lang Ang Nag Papasarap.
"Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo e. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay."
"Nakabalik ako sa lugar, pero hindi sa panahon."
Minsan hindi rin naman talaga ginusto ng mga taong minahal naten ang saktan tayo. Hindi naman nila sinasadyang iwan tayo para sa bagong dumating. Minsan kailangan natin tanggapin na sa paniniwala nila, mas mahal nila yun. Ganun lang naman talaga, dun sila kung saan sila masaya. Ganun din naman siguro ang gagawin natin, kung tayo ang nasa sitwasyon di ba? Lahat tayo mararanasang AGAWIN, MANG-AGAW at MAAGAWAN. Pana-panahon lang yan. "
Naaalala mo lang naman ang mga kaibigan pag malungkot ka..dahil pag masaya ka, kasama mo sila."
"kung mahalaga ka talaga sa isang tao, hahanap siya ng paraan para magkaoras sayo... Kung wala siyang oras sayo, wag ka nang umasang mahalaga ka sa kanya."
"kahit gaano karaming signs ang dumating at matupad, kung hindi ka nya mahal hindi ka nya mahal "
"Pagkatapos ng mahabang ulan, may pitong kulay na biglang susulpot na nagsisilbing tanda na may pag-asa sa bawat pasakit. Parang sa pag-ibig din yan. Pagkatapos ng isang malupit na kabiguan, may mga tao pang pwedeng paglaanan ng iyong wagas na pagmamahal. Kaya lang ang problema, kadalasan sa dami ng kulay na pagpipilian, yung dati pa ring kulay ang paborito mo."
"ang TAMANG BAGAY saka TAMANG PANAHON ay wala na ring saysay kapag wala na yung TAMANG TAO. ang tao puwedeng magadjust pero ang bagay at panahon hindi."
"Hindi naman yung taong mahal mo ang mahirap kalimutan nung nawala sya sayo eh...kundi yung taong naging ikaw dahil sa kanya"
“kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman. dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.”
"Pag pinag-aagawan ka, malamang maganda ka o gwapo ka.
Tandaan mo: Sumama ka sa mabuti, di sa mabait. Sa marunong, di sa matalino. Higit sa lahat, sa mahal ka, di sa gusto ka."
"Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga. Matuto kang sumuko at mang-iwan, kung lagi ka namang sinasaktan.
Imbis na magtanong ka ng "Hindi pa ba sapat?" Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na sya.Wag kang magpadala sa salitang "sorry" at "ayokong mawala ka" kung totoo yun,patunayan nya."
"Ang babae, nirerespeto, inaalagaan!Hindi yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo ng paglaruan.Hindi yan IPOD na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan.At hindi yan RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling-araw.Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadget para kolektahin at paglaruan."
"Paano mo masasabingspecial ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sayo ay ginagawa din niya sa iba?”
hndi nman klangan ang mrming ta0 pra bumuo ng mundo..
minsan,,isang ta0 lang ang ksama m0h ,,bu0 na ang mund0ng
klangan m0h HABAMBUHAY.."
"kahit gaano karaming signs ang matupad.. kung ndi k nia mahal.. d k nia mahal..:(("
kaibahan ng bulag sa nakakakita,.. hindi alam ng nakakakita kung kelan sila bulag..
Ang trahedya ng buhay ko? Hindi ako nagkaroon ng kapangyarihan na makapagsabi ng tamang bagay sa tamang tao sa tamang panahon
Wag kang magseryoso sa taong hindi naman interesado sayo. Para ka lang nagpagod maperfect ang isang exam na hindi naman recorded.
Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring siya'y higitan sa dunong, sa yaman, sa ganda
Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung hindi mo pa pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi.
Makakapili ka ng lugar na uupuan mo,pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo..
ganyan ang senaryo sa bus.
ganyan din sa pag-ibig..
lalong di mo kontrolado kung kelan sya bababa."
hnde m b alm kung ganuh k swerte nung bata kp kpg pnplit k ng nanay m mtulog s hpon?dhl kpg na inlove kna kht gus2hin m ng mtulog hnde kpaden mktulog!
mas masdaling ngumiti kahit di ka masaya kaysa ipaliwanag sa lahat kung bakit malungkot ka ..
" hindi hawak ng tao ang buhay, pero hawak nya ang kapangyarihan para hindi pahirapan ang ibang tao"
Tungkuling mong tumulong sa kapwa dahil may kakayanan ka at gusto mong tumulong. Pero wag mong kalimutan na hindi mo mababago ang mundo at hindi mo maililigtas ang lahat ng tao. Hindi ikaw ang unang nagtangka… hindi ikaw ang magiging huli… hindi ka solusyon. Pero hindi dahilan yon para mawalan ka ng pag-asa at tumigil sa pagbibigay nito.
" wag mong isipin ang sasabihin ng ibang tao sayo, dahil gawin mo man o hindi ang isang bagay, may sasabihin at sasabihin sayo ang tao " ;]
walang pag-asa ang mga taong naghahanap ng mga kakaibang nilalang n magliligtas sa kanila-kapitan sno
Na mapagkamalang hindi ka pwedeng mahalin, o mapagkamalian kang mahalin ng tao dahil sa itsura mo."
maging bayani ka ng sarili mo
Kung ang buhay daw ay nagsimulang mali, marami pang kamaliang susunod. Subalit kung dahil sa kamalian ay dun naman liligaya, sino nga bang makapipigil sa tao upang laktawan ang mga bagay na itinakdang tama? Kung ang mali sa lipunan ay wasto sa kaibuturan ng puso, ano't sino ang dapat sundin? Ang kaligayahan ay nililikha ng sarili at di ng mga taong nakapaligid. "ANG TAO AY MAHILIG LANG PUMUNA".
Ba’t ka umaalalay sa matanda sa pagtawid sa kalsada? Kasi kaya mo. Ba’t mo pinupulot ang batang nadadapa? Kasi kaya mo. May lakas ka para itama ang mali, para tumulong sa mahihina…
kung lahat ng tao may kapangyarihan lahat sana tayo bayani,
kung lahat lang ng tao may konsyensya hindi na sana natin kailangan ng bayani,
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment