Friday, July 31, 2009

letting go..paalam

alam mong nasasaktan ka. ramdam mo ang hapding gumuguhit sa dibdib sa t’wing maaalala siya o kaya naman ay may magbibirong nariyan siya, nakita niya lalo na kung may kasama ng iba. ang katotohanan kasi, wala na kayo, nakahanap na siya at naiwan ka.

masakit? kung gayon ay ‘wag mo ng ituloy ang pagbasa.

kung kaya mong tiisin, ituloy natin.

susubukan mong makalimot, ititindig mo ang sarili at sasabihing “magsisimula akong muli!” binura mo na ang number niya. maaaring ang ilang larawan o mga love letters niya ay itinapon mo na rin. ang mga regalo niya, nasa kahon na o di kaya ay naipamigay mo na. sa ganitong paraan, pinapalaya mo ang sarili mo sa mga alaala niya. inaalis mo ang mga naiwan niya. gayunman, may mga alaalang mahirap alisin lalo na kung naiwan ito sa puso mo.

napaso ka ba? pwede kang tumigil, magmura at sabihing siraulo ang nagsulat nito. pero alam kong mas siraulo ka dahil tatapusin mo pa rin ang pagbabasa.

at dahil sa masasayang sandali ninyo, may mga kantang pinili ninyong maging theme song. paano ka ngayon makakaligtas sa radyo o sa mga concert o minsan, sa sasakyan. ilang beses mo na bang naranasan na masaya ka, maayos at ang araw ay tila para sa iyo nang biglang may maririnig kang awit na magpapaalaala sa inyo. pareho pa ba ang nararamdaman mo? ang hatid bang saya ng awit na ito noon ay katumbas ngayon? E’ kung biruin kitang ang awit na ito ay pinili rin nilang maging awit, o mas malala ay gawing theme song sa kasal nila?

paano kung sabihin ko sa’yo na sa nararamdaman mo ngayon ay talo ka. isa kang loser!

handa ka ba kung sakaling magkasalubong kayo? ano ang sasabihin mo? Paano kung magtapat siya sa’yo at sabihing mahal ka pala niya. ikaw pala ang tama para sa kanya. nakabukas ang kanyang mga braso at naghihintay ng yakap. tatanggapin mo ba siya? hindi mo ba iisiping nagbalik siya dahil alam n’yang hindi mo siya matitiis? dahil ang alam niya… siya ang sentro ng buhay mo?

ouch?!! isumpa mo man ako, itutuloy ko pa rin.

wala ng gustong makinig sa’yo. ang kwento ng pag-iibigan niyo ay alam na ng lahat ng kaibigan mo. hindi pa siya naisusulat at nagagawang telenovela o di kaya dulang panradyo ay pinagsawaan na ng mga tao dahil sa paulit-ulit mong kwento. wala ng gustong bumili sa mga sakit na nararamdaman mo. wala ng gustong makinig. dahil wala ng interesado… ikaw na lang ang naiwan diyan, at maging siya, wala ng pakialam sa’yo.

wag kang umiyak. nakanangp*cha! bumenta na ‘yan.

ang pagkakaroon ng minamahal o ng kasintahan ay nagbubunga ng mas malaking barkada, ng kaibigan o ng nakikilala. sa madaling salita, lumalawak ang mundo. e’ bakit pinaliit mo ang mundo mo sa kanya?! paano mong tiniis na mabuhay nang nakasentro sa kanya?

gumalaw-galaw ka muna at baka ka maistroke.

totoong moving on from a relationship is hard. lahat ng reasons meron ka. infact pwede mong isulat ang 1001 reasons kung bakit mo nararamdaman ‘yan. gayunman, hindi mo pa napapapublish yan, may magsusulat na ng 1002 reasons why you need to move on, o kaya naman 1003 reasons kung bakit masayang maging malaya at 1004 reasons kung bakit ka dapat tawaging loser.

alam mong hindi binibilang ang taon at lalong hindi sinusukat ang effort. alam mong pareho kayong naging masaya noon. ano ngayon ang dahilan para magsisi o manghinayang sa mga nakaraang araw?

maaaring lahat ng mura ay naipukol mo na sa kanya. kung nakamamatay ang mga masasakit na salitang iyan, o ang galit na nararamdaman mo ay maaaring nailibing na siya. alam mong hindi maibabalik ng mga iyan ang relasyon ninyo. alam mong hindi mo siya mapipilit at alam mong hindi mo kontrolado ang buhay niya. marami kang alam pero ang totoo, merong kang hindi alam. alam mo ba na kontrolado niya ang buhay mo? alam mo ba na ginagawa ka niyang tanga hanggang ngayon? sa nangyari sa’yo, alam mo ba na maraming masasayang araw ang pinapalampas mo. alam mo rin ba na hindi mo kailanman mapapalitan ang minahal mong ‘yan, di mo mahahanap at di darating ang para sa’yo? dahil hindi mo alam na may taong handang gumalang sa nararamdaman mo, handa kang tanggapin, handa kang ingatan, handang magsakripisyo at mahalin ka ng labis kaysa sa pagmamahal mo? alam mo bang maaaring nariyan na siya kaso ay hindi makapasok sa buhay mo dahil sarado pa, dahil abala ka pa sa tumarantado sa’yo.

o sabihin man nating ang mga iyon ay walang kasiguruhan, ang totoo ay hindi mo alam na ang paghihiwalay ninyo ay mas makabubuti sa’yo.

kelan ka huling humigop ng kape o ng tsaa kasama ng mga kaibigan mo? kelan ka huling nagjogging? kelan ka huling nagbakasyon. kelan ka huling tumingala sa langit at pagmasdan ang paglipad ng malalayang ibon at paggalaw ng ulap. kelan mo huling nasulyapan ang paglubog ng araw at unti-unti pag ningas ng kalawakan sa paglabas ng mga bitwin.

kelan ka huling lumabas kasama ng mga mahal mo sa buhay? kelan mo huling nakabonding ang kapatid, kaibigan o magulang mo? kelan ka huling naglinis ng kwarto? kelan ka huling nagsulat sa diary, kelan ka huling nagbasa at nakatapos ng libro?

marami ka ng napapalampas. kanino mo gustong marinig ang salitang move-on? sa kanya? masarap maramdaman na kontrolado mo ang buhay mo. masarap makitang muli kang nakatayo, in-control, at nagagawa mo ang gusto mo. masarap maging malaya.

lugmok

Bakit nga ba mahirap at paano nga ba magmove-on?

Wala akong aklat na naisulat na tungkol sa pag-ibig o di kaya ay mga payo kung paanong makahahanap at makakawala dito. Hindi ko ito expertise.

Nabahala ako sa reaksyon at mga feedback ng blog entry ko tungkol sa move-on. Maraming natuwa at marami rin ang naantipatikuhan.

Isa lang ang masasabi ko : READ AT YOUR OWN RISK.

Pumasok ka sa teritoryo ko; maaaring hindi lahat ng mababasa mo ay magugustuhan mo, gayundin, maaaring hindi mo ito sasang-ayunan, gayunman, malaya kang ipahayag ang gusto mo. I do not have the monopoly of truth. Opinyon lang ang lahat ng ito… madalas, ang sinusulat ko ay mga bagay na pinaniniwalaan at totoo para sa akin, na pwede namang kasinungalingan para sa’yo.

Gaya ng pagbabasa mo ng blog na ito, madalas ay pumapasok ka sa teritoryo ng iba. Nanatili roon dahil pumukaw ng interes mo o di kaya ay nasisiyahan ka.

Gaya ng Pag-ibig. Masaya, iba ang pakiramdam. Inuugoy ka, kinikiliti ang imahinasyon, inaakit hanggang sa tuluyang magpatangay sa agos nito.

May sarili raw na mundo ang pag-ibig. Dito walang patakaran. Walang rules. Kaya nga di ba, sabi… hahamakin ang lahat makamit ka lamang.

Aminin mong natuto kang magsinungaling. Aminin mong may nasaktan ka; tinalikuran na kaibigan, pinagtakpang katotohanan, sinuway na magulang, inilihim sa kapatid o anak, nilabanang mga kaopisina, pikitmatang tinanggap ang kahinaan niya, nagbingi-bingihan sa tsismis at binalewalang moral – dahil umiibig ka, ‘ika mo nga. Dahil kalayaan ang umibig.

Hanggang sa ang isang masayang mundo sa piling ng mga kaibigan, katrabaho at kapamilya ay napalitan ng isang mas intimate na mundo sa piling niya. Tanging kayo lang ang nagkakaintindihan. Na tingin pa lang ay pangungusap na sa iyo. Na ang buntunghininga niya ay karugtong ng paghinga mo. Na ikaw at siya ay magkaugnay – hanggang sa maging isa kayo.

At unti-unti ay bumuo kayo ng mas maliit na mundo.Unti-unti, ang lihim niya ay lihim mo. Hanggang sa natutuklasan mo na ang kahinaan niya. Naiintindihan mo na ngayon ang salitang individual differences. At sumasayaw ka pa rin sa orkestra ng pag-ibig kaya’t tinutumbasan mo ang individual differences ng mga katagang Love is unconditional.

Hanggang sa tuluyang mapagod ang manunugtog at tumigil ang orkestra. Gigising ka isang umaga na wala na siya o di kaya ay katabi mo siya pero wala na siyang nararamdaman para sa’yo. He’s there but not his presence. Daig pa siya ng mga multo, mararamdaman mo ang presence kahit hindi mo nakikita!

Naaalala mo pa ba yung mga araw na andun siya pero alam mo na naghahanap ng diskarte para sabihin sa’yo na ‘wala na tayo’ Yun bang utang na loob mo pang maramdaman na pinoprovoke ka niyang makipaghiwalay para naman hindi masagasaan ang ego mo. at ikaw naman, holding on pa rin. Na nakakarelate ka na sa linya ng kantang Walang Kapalit – ‘wag mo lang ipagkait, na ikaw ay aking mahalin.

Naranasan mo na ba na sa kahinaan niya ay gawin ka niyang panakipbutas. Yun bang ‘dyan ka lang, wait ka lang, pag hindi kami nagclick, babalik ako sa’yo’

Dahil alam niyang mahal na mahal mo siya. Dahil alam niyang maghihintay ka. Alam niyang tatanggapin mo siya – at kahit hindi niya aminin, he’s capitalizing on the fact that you are under his power. dahil siya ang sentro ng mundo mo. Para sa kanya, wala ka na kasing ibang mapupuntahan. Dahil para sa kanya, tanga ka. At ang tingin niya sa’yo ay default.

Magalit ka na sa akin, sabihin mong hinusgahan na naman kita, na wala akong karapatang sabihin ang mga iyan, so bakit ganyan ka magreact? Apektado ka?

Hindi ba mas katangahan yung alam mong ginagawa kang tanga pero wala kang magawa.

Isang sekreto ng buhay ang natutunan ko.

Kaya kong gawin ang lahat ng gusto ko. Kaya kong makuha ang lahat na naisin ko. May kapangyarihan ako. Pero ang kakayahang ito ay may hangganan. Hindi nito makukuha o makokontrol ang iba. Dahil hangganan ng kapangyarihang ito ang will ng tao. Katumbas nito, hindi ako makokontrol ng ibang tao. Dahil makapangyarihan ang will ko. Ako ang masusunod – ayon sa kalooban ko. Hindi sa kalooban o gusto ng iba.

Totoong minsan ay mahina ang will ko – o yung will power na tinatawag. Pero agad kong sinasabi na walang sinuman ang magpapasunod sa’kin. Dahil buhay ko ‘to.

Sa nakaraang relasyon mo, nasa ilalim ka pa ba ng kapangyarihan niya o narealize mo ng makapangyarihan ka at kaya mong tumayo, mabuhay at magpatuloy?

Alam ko ang sasabihin mo, mahirap magmove on dahil hindi mo rin siya kontrolado kung kelan siya magpaparamdam. Minsan, babalik siya ng hindi ka pa handang sabihin sa kanya na tantanan ka na niya.

Ang pinagmulan at bunga ng pag-ibig ay kabutihan. Kung hindi na nakabubuti sa’yo ang sitwasyong iyan, subukang mong pag-isipan kung pag-ibig pa nga iyan.

Baka awa o panghihinayang? Hindi masamang dumistansya lalo na kung nakasisira na ang relasyon o kung nasisiraan na siya ng bait at sumasablay ang katinuan.

Talagang may taong hindi alam ang gusto. Babalik at babalik sa’yo. Magpaparamdam pero hindi mo alam kung bakit. Kung namimiss ka lang ba? Kung naghahanap ng mahihingahaan o minsan, naghahanap lang ng kasex. At ikaw, mag-ooffer ng time, sasabihin mo sa sarili mo na makikinig ako hindi bilang kasintahan kundi bilang kaibigan, hanggang sa magising kang lugmok na naman sa piling niya. Sa ibang kama, sa ibang kwarto o minsan, sa sarili mong bakuran. Well, sinong may kasalanan? Sino bang nagpatuloy?

Ituring mong sakit iyon. Yun bang katok ng katok pero hindi papasok, magpaparamdam pero hindi magpapakita. Yun bang nakikiramdam lang. Check lang nya kung okay ka pang balikan base sa reaksyon mo.

Nalugmok ka nang minsan. Hindi mo kasalanan kung hindi siya makaahon. Pero kasalanan mo kung hindi ka makaahon dahil ikaw at hindi siya ang may kontrol sa buhay mo. May will power ka. Subukan mong ihampas sa ulo niya at baka gumana. O baka naman kailangan mong masaktan para magising. Sabihin mo lang at dadagukan kita.

Tingnan mo rin, baka ikaw na lang ang nagkukulong sa sarili mo. the truth is, he or she has no power over you.

Siya nga pala, happy Independence Day sakaling maisipan mong lumaya at magmove-on! Kung hindi naman… my condolences. May you find peace at the bottom of hell under his / her spell.

—-

Lugmok facts

The stupid cupid philosophy:

Totoong may sariling diskarte ang puso. Pero isipin mo rin na ang utak, puso, bituka, magkakaiba man ay nasa iisang katawan. Hindi mo pwedeng sisihin ang puso o ang utak o ang bituka. Wala silang karapatang kumilos ng taliwas sa gusto mo. Pasalamat ka, dahil kung meron, malamang nauna na silang nagpatiwakal dahil sa sobrang kakornihan at kababawan ng pinoproblema mo. Huwag mo ring hintayin na lumabas ang bituka mo at pilipitin ang leeg mo.
Kung niloko ka lang, hindi ka pa pwedeng ituring na tanga. Pero nung alam mo nang niloloko ka at wala kang ginawa, ginawa mong tanga ang sarili mo.
kung hahayaan mo ang sarili mo na malugmok dyan at makita mo siyang nakamove-on na, tiyak iiyak ka sa sakit. Kaya unahan mo na siya.
kung nagpaparamdam siya at nagpapaawa effect, busan mo siya ng malamig na tubig at sabihing you’re nothing but a second rate, trying hard, copy cat. Bumenta na ang kadramahan niya. Saka mo sundutin ng I never said that I love you!
Bawas-bawasan mo ang panonood ng mga dramarama at mga telenovela. Masyado ka ng maemote sa buhay.
‘Wag mo ng masyadong ikunukuwento sa madla ang kasawian ng pag-ibig mo. karamihan sa mga interesadong makinig e naghahanap lang ng bagong mapag-uusapan. Hindi ibig sabihin na tumatango sila e nakikisimpatya sila. Piliin mo lang ang mga kaibigan o kamag-anak na pagkukuwentuhan mo, yung siguradong tutulong para makamove-on ka. Pero kung celebrity ka, okay lang na maging public entertainment ang buhay mo, dagdag kita ‘yan.
kung may natatapos, happy ending man o hindi… may magsisimula. Isulat mo sa final credit ng pelikula ng buhay mo ang pangalan niya bilang bahagi ng nakaraan. Sa ilalim ng pangalan niya ay ilagay mo ang mga katagang Rest in Peace. Ang mga relasyong tinapos na ay huwag mo ng buhayin. Magsimula ka na ulit ng panibago. Ito ang best gift sa atin, ang makapagsimula. Palatandaan lang na tapos na at may pagkakataon ka ng isulat o likhain ang bagong kabanata ng buhay mo.

unsettling

I'm a receive-read-delete person when it comes to text messages. If the message is personal and sentimental then after reading, it will be directly saved in one of my folders. But this message I received a few weeks ago stayed in my inbox for quite some time. It says, it's tough when people start to leave you hanging' but it's even tougher to pretend that you don't mind.

Unsettling.Sad.And so true.

To pretend to be glad when inside you're wretched is distressing. To pretend that somebody can walk out of your life shamelessly and then show everybody that you don't mind is disturbing. How often do you need to lock yourself and cry until you're mentally and physically drained? How deep will you let this sword cut you down? Until when... until when can you breath freely in this sham life?
It's sad for the simplest reason that no one in this world deserves to be left behind... hanging... waiting in silence, in vain. It's sad plainly because some people don't even have the courtesy to say goodbye. Goodbye! Even if this single word will shatter your dreams and happiness, it's still better, so much better for you to hear farewell so that you can gather the pieces together and start with a positive hope in your life.
It's true that when someone you love starts to leave you hanging it will shake your faith not only to Him but also to yourself. You will start to question your self-worth, your ability to love and take care of a relationship. But you also have to remember that first and foremost you're responsibility is to yourself. What's good in waiting if there's no one to come? What's good in hanging if you can freely let go? Breath easily as you fall down to lessen the burden inside... Embrace the touch of everything that surrounds you to diminish the pain... And you'll never know, maybe someone, just another someone will catch you before reaching the ground.